Wednesday, February 2, 2011

Pagluwa at Paglunok

Nasa trono ako ng biglang umalingasaw ang baho.
Baho na nagmumula sa madilim na butas, unti-unting lumalabas, lahat nais ipamalas.
Napagtanto ko, bakit ganito na ako ngayon? anung nangyari kahapon?

Kahapon ay isa akong baliw na nagmamaliw sa musika at kulturang walng humpay na nangaaliw.
Ang paningin ko ay umiikot, taas baba nagmamasid sa palibot.
Ang pandinig ko ay sumasagap, walang patid kung ito man ay nasa alapaap.
Mga kamay ko ay di mapigilan, sa paguhit at paglikha ng obrang nakakairita.
Utak ay lumalangoy, palayo sa malakas na daloy...
Ako at ang aking mahika... ngayon ay invisible na....

Bawat birthday ay katumbas ng isang basong redhorse
habang tumatagal..mayroong sumisipa sa loob
naninipa na ikaw ay magtrabaho, umasenso, magsipag at maging normal na tao.
Isang araw ang katawan at isipan ay susuko, yuyuko, kaya ko pa ba lunukin toh?

Bawat alaala ay katumbas ng kahapon
pagkabata ay di na maglalaon
hangang alaala nalang ba ang kalayaan hinamon?
o kaya naman buhayin ngunit ikaw walang malalamon?


Ang salaysay na ito ay tungkol sa pamimili, panghihinayang at pag ngiti.
Minsan nakong nalimot at nabaon sa kaligayahang kakarampot.
Asan na ang mahikang binigay ni Bathala?
bakit ko ba binabalewala?
kung ako ay masaya bilang bata...
bakit ko susubukang tumanda.

No comments:

Post a Comment